12 in the midnight di ako makatulog...
di na yata ako sanay matulog magisa..:-(
so as usual, harap sa computer...
nagexplore sa friendster until may naalala akong pangalan pero di ko matandaan kung sino..
kilala ko ba talaga o bangag na ko kaya may mga naiimbento na kong pangalan???i searched it... hahaha!
classmate ko pala sya nung elementary...grabe...
matanda na ba talaga ako para makalimutan ko ng ganun yung mga taong naging importante at bahagi ng nakaraan ko?..:-)
at eto na nga,alas dos na ng madalingaraw,nalibang ako sa paghahanap sa mga dati kong classmate at kaibigan,.. at unti unting bumabalik sa alaala ko ang nakaraan... di pa pala ako matanda...sa dami lang siguro ng mga pagbabago sa buhay ko kaya pansamantala ko silang nakalimutan...bigla ko silang namiss...lalo na yung mga kasama ko sa pambubully...hehehe!
parang bigla gusto kong magbakasyon sa quezon kahit ilang days lang just to see some of my friends there...hayyyyyyyy!!!!
sana sariwa pa rin ang hangin dun...
nakakamiss makipagbatuhan ng tae ng kalabaw..:-)
maligo sa ilog every weekends...
magtrip umakyat sa bundok...
lumaban sa mga elem contest.. rondalla, choir,quiz bee... etc...
nakakamiss magbuhat ng bag ng teacher sabay may sisigaw ng SIPSIP!!!;-)
sarap bumalik 15 years ago...
at yun na nga,,,
i invited them on my friendster acct...
sana lang di nila ako nalimutan di ba?!...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment